Nobyembre 21, 2018, Daet, Camarines Norte – Timbog sa ikinasang buy bust operation ng otoridad ang isang 27 anyos na babae sa Purok 8, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, dakong dakong 4:30 ngayong araw ng isagawa ng pinagsanib na pwersa ng nasambit na himpilan at PDEA Camarines Norte ang buy bust operation laban sa suspek na kinilalang si Rose Arcega y Lacson, 27 anyos, maya asawa at residente ng nasabing lugar.

Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkakadakip sa suspek matapos na positibo nitong pagbentahan ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang poseur buyer.

Nakuha din sa posesyon ng arestado ang apat (4) pang sachets ng pinaniniwalaang iligal na droga at limandaang pisong (Php 500) marked money na ginamit sa transaksiyon.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Donde Consuelo