Nobyembre 19, 2018, Daet, Camarines Norte – Tuluy-tuloy ang pagpapadama ng malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mahihirap na senior citizens sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa katunayan nito, sa loob lamang ng apat na buwan ay pumalo a nsa tatlong daang libong piso          ( 300,000.00 ) ang naibigay na Burial Assistance ng Provincial Government para sa mga pumanaw na nakatatanda base sa tala ng Provincial Social Welfare and Development Office ( PSWDO ).

Base sa talaang ito, simula pa lamang sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taong 2018 ay lumubo ang bilang ng mga namamatay na Senior Citizens sa buong probinsya na umakyat ng tatlong daan at walong (308) katao.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga namamatay na mga nakatatanda, minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Egay Tallado na dagdagan ang alokasyon para sa mga namamatay na Senior Citizens na aabot ng labing isang milyong piso ( 11,000.000.00 ) bawat taon.

Bukod pa dito, pinatutupad na rin ngayon ng PSWDO sa pangunguna ni PSWD Officer Lorna De Claro ang bagong programa na nagbibigay ng 5% Senior Citizen Discount para sa Basic and Prime Commodities sa lahat ng mga Super Market at Grocery Stores sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Katuwang naman ng PSWDO ang Department of Trade and Industry (DTI) sa monitoring ng naturang programa upang masigurong sumusunod ang mga establisyemento at pamilihan sa pagbibigay diskwento sa mga nakatatanda.

 

Camarines Norte News

Details courtesy of Lino Malabanan