Nobyembre 20, 2018, Daet, Camarines Norte – Handang handa na ang mga manlalarong Daeteño na sasabak sa Palarong Panlalawigan 2018.

Bagaman hindi nakadalo sa pagbubukas ng nasambit na kumpetisyon ngayong araw dahilan sa mahalagang tawag ng tungkulin bilang alkalde, nauna nang magpaabot ng kaniyang suporta si Mayor Benito “B2K” Ochoa sa mga kabataang manlalaro mula sa ibat ibang paaralan sa Daet South, Daet North at Abaño Campus.

Nabatid na bago pa man sumabak ang mga manlalaro sa ibat ibang kumpetisyong pampalakasan ay siniguro na ni Mayor Ochoa ang tulong pinansiyal na magagamit ng mga ito sa buong panahon ng kumpetisyon.

Bukod sa tulong pinansiyal ay hindi rin pinabayaan ng alkalde na sumalang ang mga ito ng walang uniporme.

Magugunitang bago pa man ang naturang palaro ay una nang nagpamalas ng suporta sa larangan ng sports si Mayor Ochoa.

Setyembre ng taong kasalukuyan nang mamahagi ang nasambit na alkade ng ibat ibang gamit pang sports tulad ng sa aabot sa 28 na paaralan sa bayan ng Daet.

Kaugnay nito, siniguro din ng alkalde na hindi dito magtatapos ang tulong at suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga Daeteñong manlalaro lalung lalo na sa mga magwawagi at lulusot sa Palarong Bicol at Palarong Pambansa.

 

Camarines Norte News