Nobyembre 6, 2018, Daet, Camarines Norte – Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito “B2K” Ochoa sa ginanap na 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon Nobyembre 5, 2018.

Ang nasabing drill ay pinagunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daet sa pangunguna ni Mr. Santiago Mella​ Jr. katuwang  ang BFP Daet Central Fire Station, PNP Daet, at National Food Authority (NFA)- Camarines Norte Provincial Office.

Dakong 8:00 ng umaga nang magsimula ang drill sa compound at warehouse ng NFA CamNorte kung saan naging scenario ang diumano ay isang 7.1 magnitude na lindol ang tumama sa isa sa mga karatig na bayan.

Agad na pumwesto at nagsagawa ng duck, cover and hold ang mga kawani sa nasambit na opisina at warehouse habang agad namang nagtatag ng Emergency Operations Center at Incident Command Post ang MDRRMO Daet sa lugar.

Kasunod nito ay nag activate rin ng Emergency Response Cluster at nagpakalat ng Damage Assessment and Needs Analysis Teams ang MDRRMO sa lugar upang alamin ang sitwasyon sa paligid at upang magsagawa ng search, rescue and retrieval operations, fire suppression, collapsed structure and high angle rescue gayundin ang paglapat ng pangunang lunas at pagdala sa ospital ng mga casualties.

Naroon din ang team ng BFP Daet Central Fire Station upang magsagawa ng Search and Rescue Operations habang siniguro naman ng mga personel ng Daet PNP Precint No. 3 ang Peace and Order sa lugar maging ang  Traffic Flow.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang earthquake drill dahil na rin sa pagtutulungan ng mga ahensiya.

Layunin ng naturang aktibidad na masukat ang kahandaan ng mga ahensiya ng gobyerno sakaling dumating ang sakuna tulad ng lindol at upang mai-promote ang disaster preparedness sa mga stakeholders at general public.

 

Camarines Norte News

Photos from MDRRMO Daet FB Page