Disyembre 4, 2018, Mercedes, Camarines Norte – Tinutugis ngayon ng kapulisan ang suspek sa pananaksak sa isang laborer sa bayan ng Mercedes.

Base sa tala ng kapulisan, patuloy na nakakalaya ang suspek sa pananaksak kay Arnel Olesco y Teope,  44 anyos, laborer, residente ng Purok 3, Brgy Tarum, Mercedes, Camarines Norte na si Edison Tuzon, residente ng Purok 1, Brgy Pambuhan ng parehog bayan.

Napag alamang nitong nakatalikod na 10:00 ng gabi ng huwebes (Nobyembre 29, 2018) pa naganap ang insidente kung saan nakikipag inuman umano sa Brgy. Pambuhan ang biktima sa ilang kaibigan nang bigla na lamang dumating ang suspek at naghamon ng away.

Walang sabi sabi din umano itong dumukot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima sa kaliwang braso nito.

Matapos ang pananaksak ay agad na tumakas patungo sa hindi matukoy na direksiyon ang suspek habang agad namang dinala sa pagamutan ang biktima.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang Mercedes PNP upang matukoy ang kinaroroonan ng tumakas na suspek.

 

Camarines Norte News