Disyembre 6, 2018, Daet, Camarines Norte – Tumanggap ng parangal ang lalawigan ng Camarines Norte bilang Local Government Unit of the Year sa mismong Apolinario Mabini Award ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled Inc.

Ang nasambit na parangal ay ipinagkaloob sa mga siyudad at probinsya na nagpamalas ng malaking pag suporta sa mga taong may kapansanan na nasasakop nito.

Isinagawa ang pagpaparangal kamakalawa, Disyembre 4, 2018 sa Kalayaan Hall, Club Filipino, San Juan City kung saan mismong ang punong lalawigan Gov. Egay Tallado at Bise Gobernador Jonah Pimentel ang nanguna sa pagtanggap ng parangal kasama si PDAO Officer Dr. Rex Bernardo, Bokal Artemio “Bihug” Serdon, Bokal Muriel Pandi at Bokal Renee Herrera.

Magugunitang  ang lalawigan ng Camarines Norte ang isa sa mga kauna unahanang mga lalawigan sa bansa na nagkaroon ng PDAO Office o Provincial Disability Affairs Office na siyang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan para maipaabot ang ibat ibang mga programa para sa mga persons with disability.

Sa buong nansa, nanguna ang Camarines Norte sa tatlong probinsiyang pinarangalan kasama ang Romblon at ang Iloilo, anim din naman sa mga syudad ang nabigyan ng parangal kasama ang Naga sa Camarines Sur, Bislig, Puerto Prinsesa, San juan, Santiago, at Quezon.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of SM Ivy Consuelo Garcia (Radyo Pilipinas)