Disyembre 9, 2018, Daet, Camarines Norte – Isa nanamang parangal ang naiuwi ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa katatapos lamang na Salud Bikolnon Award ng Department of Health (DOH) na ginanap sa Legazpi City kamakalawa, Disyembre 7, 2018.

Sa ngalan ni Mayor Benito “B2K” Ochoa ay personal na tinanggap ni Daet Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla – De Luna at Dr. Noel Delos Santos, Officer in Charge – Daet Municipal Helath Office (MHO) ang parangal na Top Performing Local Government Unit in the Implementation of Annual Health Check Up.

Nakamit ng LGU Daet ang nasabing parangal dahil sa ipinakita nitong malaking suporta sa mga programa ng DOH sa pamamagitan ng Daet MHO partikular na sa pagsasagawa ng taunang libreng health check up sa mga Daeteño lalung lalo na sa mga labis na nangangailangan nito tulad na lamang ng mga Indigenous Cultural Communities (ICC) o Indigenous People (IP), Persons with Disabilities at mga Senior Citizens.

Kalakip ng nasambit na parangal ang cash prize na nagkakahalagang limampung libong piso (Php 50,000.0).

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng LGU Daet sa pamumuno ni Mayor Ochoa para sa naturang parangal. Binigyang pagkilala din nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Rural Health Units sa bayan ng Daet, mga doktor na namumuno dito gayundin ang mga Barangay Health Workers (BHW) at mga health volunteers na siyang instrumento upang makamit ng LGU ang parangal.

Nangako rin ito ng patuloy na pagsusumikap sa pagpapanatili ng malusog na pamayanan para sa mga kababayan.

#Bayan2ngoSaKalusugan

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Mun. Admin. Joan Kristine Tabernilla – De Luna