December 15, 2018, Daet, Camarines Norte. Pormal ng inanunsyo ng DEPED Camarines Norte ang pagbubukas ng ikatlong batch ng recruitment, evaluation, at selection process para sa mga gurong nais magsilbi sa mga public schools sa lalawigan.

Ayon na rin sa ipinalabas na memorandum ng ahensya, karagdagang mga guro para sa Kindergarten, SPED, Elementary, Junior at Senior High School ang kinakailangan para sa susunod na school year.

Ayon pa sa ipinalabas na memorandum, kinakailangang magregister ang bawat aplikante sa website na application.deped.gov.ph upang mabigyan ng unique applicant number na kanilang isusulat sa kanilang written application.

Kasunod nito ang pagbibigay ng mga kaukulang dokumento sa tanggapan ng principal ng eskwelahang nais nilang applyan. December 19 hanggang 21 lamang ang binibigay na petsa para sa mga aplikante upang isumite ang kanilang mga dokumento.

Upang matanggap, kinakailangang makakuha ang aplikante ng pitumpung (70) puntos sa evaluation na kung saan ang kanilang education, karanasan sa pagtuturo, kabuuang rating sa LET, specialized training and skills, interview, demonstration teaching, at communication skills ang magiging batayan ng kanilang magiging score.

Samantala, ang mga hindi naman makakaabot sa nabanggit na quota score ay kinakailangang dumaan muli sa kabuuang evaluation at selection process.

Para sa mga karagdagan pang impormasyon, maaring puntahang ang link na ito: https://www.facebook.com/748650261859799/photos/pcb.2048515701873242/2048515658539913/?type=3&theater, o kaya nama’y personal na magtungo sa tanggapan ng DEPED Camarines Norte.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News