Advent Message of His Excellency

Advent Message of His ExcellencyMost Rev. Rolando Tria Tirona, OCD, DDAguinaldo Masses 2018

Posted by Archdiocese of Caceres on Saturday, December 15, 2018

December 16, 2018, Daet, Camarines Norte. Nagbigay ng ilang paalala si Most Reverend Rolando Tria Tirona, ang arsobispo ng Archdiocese of Caceres, hingil sa mga bagay na dapat pakatandaan sa pang araw-araw na pagdiriwang ng mga katoliko ng simbang gabi.

Ayon sa Advent Message video ng Arsobispo, binanggit nito na ang tunay na rason kung bakit ipinagdiriwang ang simbang gabi ay upang dalhin tayo sa mas malalim na preparasyon sa pagsalubong ng kapaskuhan.

Sa kanyang mensahe tatlong punto ang nabanggit ng Arsobispo, una ay ang Pagsamba (Adoration), pangalawa ang Kababaang loob (Humility), at pangatlo ay ang Pamamahayag (Proclamation).

Pagsamba: Ang simbang gabi umano ay dapat magdala sa mga mananampalataya tungo sa mas malalim na pagsamba sa Diyos na nagbigay ng kanyang bugtong na Anak para sa lahat.

Kababaang Loob: Katulad ng kababaang loob ng Diyos na nagkatawang tao, magi nawa tayong mga mapagkumbaba upang tuluyang maitakwil ang kapangniyarihan at pagiging arogante.

Pamamahayag: Sa pangatlo at panghuling punto naman ay binanggit nito ang kwento ng tatlong hari na kung saan ay magi sana nating huwaran upang maiproklama ang ngalan ni Hesus bilang ating tagapagligtas.

Samantala, sa pagtatapos naman ng kanyang mensahe ay hinikayat rin ng Arsobispo ang mga kabataan na makiisa sa mga aktibidad at pagdiriwang ng simbahan ngayong ipinroklama ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) ang taong 2019 bilang “Year of the Youth.”

 

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News