December 22, 2018, Daraga Albay – Patay sa pamamaril si Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe at ang kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz kaninang alas tres ng hapon habang nasa Gift Giving activity para sa mga Persons with Disability (PWD) at Senior Citizens sa Barangay Burgos, Daraga, Albay.

Ayun sa inisyal ulat ng pulisya, bigla na lang lumapit ang hindi pa nakikilalang mga gun men at agad na pinaputukan ang mambabatas at ang police escort nito. Matapos ang pamamaaril agad din tumakas ang mga suspek na hindi pa nalaman ang bilang.

Nadala pa sa AMEC Hospital si Batocabe at Diaz subalit kapwa hindi na ito umabot pa ng buhay dahil sa malubhang tama ng bala.

Samantala, kinondena naman ni Police Director General Oscar Albayalde, hepe ng pambansang pulisya ang pamamaslang kay Congressman Rodel Batocabe at sa isa nilang kasamahang pulis. Nagpahayag din ito ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ng mga biktima.

Kanina lamang din, agad na ipinag utos ni Albayalde ang pagbuo ng isang Special Investigation Task Group na tututok sa paglutas ng krimen at sa pagkakahuli ng mga salarin. Nais ng hepe ng pulisya na maihain ang hustisya sa mga biktima at sa mga pamilya nito sa lalong madaling panahon.

Umapela din sa publiko si PNP Chief Albayalde na agarang iparating sa kapulisan ang anumang impormasyon makatutulong sa paglutas ng krimen.

Si Cong. Rodel Batocabe ay ang 1st nominee ng Ako Bicol Party List at nasa kanyang huling termino ngayon sa naturang Party List. Habang nagsumite naman ito ng kanyang kandidatura bilang alkalde ng Daraga, lalawigan ng Albay para sa 2019 mid-term elections.

Rodel Llovit/100.5 Cool Radio

Camarines Norte News