• Impact
  • interesting article?
  • Photos

One of the highlight of the team building of the Parish Pastoral Council is the afternoon mass by Rev Fr Dohn Corre. Calaguas Island is a stretch of pure powdery white sands that adds the beauty of sunset. Whether caused of salt particles so the sparkle of the gold seems real. The collections of nature which we can enjoy it for free, as an expression of our gratitude to God. The mystery will always pass on the west side as a sign that the day will change into night. While in another country changed into the morning. – Rio Paliza

B-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

Sino ang hindi mabibighani sa mga larawang ito. Pinaghalo-halong sining ng potograpiya, kagandahan ng kalikasan na likha ng diyos, mga ulap na mistulang sadyang ipininta at isang alagad ng Diyos na nagpapakalat ng magandang balita sa mismong dalampasigan… na tinatanglawan ng haring araw na katulad ginto na sinasabog sa kalupaan at karagatan.

Hayaan natin na kusang maglaro sa ating mga isipan kung ano ang kwentong maaaring mabuo sa mga larawang ito. Maaaring magkakaiba tayo, maaaring mas maganda pang kwento ang naglalaro sa isipan nyo kesa sa nagsusulat ng artikulong ito o sa kumuha ng larawang ito. subalit anuman ang naiisip nyo, natitiyak ko na magtutugma-tugma tayo sa isang kaisipan na ang lahat ng kagandahan ng kalikasang ito ay gawa ng iisang lumikha. Masarap lang talagang pag masdan, pag pinagsama ang kabanalan at kalikasan, isang napakagandang obra ang tiyak na magiging resulta…

Si Rev. Fr. Dohn Corre ang taong nasa loob ng abito… Ang kura paruko ng lupang puno ng ginto… Si Rio Paliza ang nasa likod ng lente ng kamera na humulma ng mga larawang ito na umani ng maraming pag hanga… @Calaguas Island

A-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

C-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

D-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

E-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

F-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

G-608-Fr.-Dohn-calaguas-1

 

 

Rodel Macaro Llovit

CNNews, Managing Editor

 

Photos by: Rio Paliza

CNNews Correspondent

 

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                     Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150