Disyembre 28,2018, Daet, Camarines Norte. Nang dahil na rin siguro sa pag-iisa at labis na kalungkutan ay nagawang tapusin ng isang preso sa loob ng Capalonga Municipal Police station ang kanyang sariling buhay mga bandang alas onse (11) ng gabi nito lamang na nakaraang pasko.

Kinilala ang nasabing indibidwal na si Jesus Cana, singkwenta y uno (51) anyos, isang magsasaka, at residente ng Purok 2, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.  Si Cana ay sinasabing nabilanggo ng dahil na rin sa nauna ng kaso nito na Parricide.

Ayon sa inisyal na report, rumuronda ang assigned personnel ng nasabing tanggapan ng makita na lamang nito si Cana na nakabitin sa loob ng kanyang selda gamit ang sarili nitong damit. Agad na rumesponde ang mga pulis sa nasabing indibidwal at sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay idineklara na itong dead on arrival.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulisya sa nabanggit na kaso ng pagpapakamatay.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News