Enero 29, 2019, Daet, Camarines Norte. Sa wakas ay matutupad na ang hiling ng mga ML (Mobile Legends) Fans and players sa pagsisimula ng pinakabagong torneyo ng nasabing laro sa lungsod ng Legazpi. Ang Mobile Legends o mas kilala sa tawag na “ML” ay isang laro sa cellphone na kung saan ang dalawang magkalabang team ay susubukang sirain ang base ng isa’t isa upang sila ay manalo. Ang naturang game ay mabilis na sumikat sa mga manlalarong pinoy buhat ng ito ay ni-launch sa bansa.

Dahilan na rin ng kasikatan nito ay isang patimpalak ang inorganisa sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay para sa mga manlalaro ng ML sa buong rehiyon at maging sa ibang panig ng Pilipinas.

Nakatakda ng magsimula ang elimination round ng torneyo ngayong darating na buwan ng Pebrero partikular na sa mga petsang ikalawa (2), ikasiyam (9), ikalabing-anim (16), at ika-dalwampu’t tatlo (23) ng nabanggit na buwan.

 

Pagkatapos ng elimination rounds ay gaganapin ang playoffs at finals ng patimpalak sa March 2 at 3 upang masungkit ng mga maswerteng manlalaro ang kampeonato.

Samantala, aabot sa 50,000 php ang ipamimigay na premyo ng nasabing patimpalak. Tatanggap ng 15,000 cash ang kampeon, 7,000 cash sa first prize, at 3,000 cash naman para sa magkakamit ng second prize. 

Bukas at nagpapatuloy ang registration para sa mga grupong interasadong sumali sa Mobile Legends Tournament. Maaring puntahan ang link na ito para sa online registration: https://goo.gl/forms/9pxM3Fe6aTJr3wec2

Para sa iba pang karagdagang impormasyon, bisitahin ang facebook page ng Imperial Productions sa https://www.facebook.com/Imperial-Productions-244291239439201/

 

*photos courtesy of Imperial Productions

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News