Enero 30, 2019, Daet, Camarines Norte. Kasado na sa Abril 27, 2019 ang Bantayog Music Fest 2019 kung saan tampok rito ang performance ng legendary pinoy rock band na Parokya ni Edgar. Ang nasabing concert ay gaganapin sa Bagasbas Airport upang i-accomodate ang mas maraming tao na dadagsa sa concert.

Matatandaan na nauna ng pinangako ng LGU Camarines Norte noon pang nakaraang taon ang appearance ng nasabing banda para na rin sa ikasisiya ng mga taga Camarines Norte sa paparating na Bantayog Festival. Tampok rin sa Bantayog Music Fest ang performance ng iba pang local bands and artists na tiyak pang mas magpapaaliw sa mga music lover and fans.

Si Provincial Administrator Alvin Tallado kasama si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng Parokya ni Edgar ay ang Your Song, Pangarap Lang Kita, Halaga, One Hit Combo, Harana, Gitara, at marami pang iba na talaga namang nagpakilig, nagpaindak at nagpasaya sa maraming pilipino sa loob ng ilang taon.

Samantala, nakatakdang i-release sa February 4 ang unang batch ng VIP at SVIP tickets para sa nasabing concert. Para sa interesadong bumili ng tickets, mangyaring tumawag o magtext sa numero ng AT Productions sa 09475141499 / 09478917078. Bisitahin ang facebook page ng AT Productions sa https://www.facebook.com/ATprods/ para sa iba pang impormasyon tungkol sa nasabing concert.

 

photos courtesy of AT Productions

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News