Pebrero 6, 2019, Daet, Camarines Norte. Arestado ang isang lolo sa Barangay Matango, Vinzons, Camarines Norte matapos ang pagtatago nito sa batas at sa mga otoridad dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o mas kilala sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act

Inaresto ng pulisya kaninang 9:15 ng umaga sa nasabi ring barangay si Leonardo Ubaña, pitumpung taong (70) gulang sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu laban dito.

Napag alaman na ang nasabi ring suspek ay ika-walo sa most wanted personalities sa bayan ng Vinzons. Kahaharapin ng suspek ang kasong Child Abuse na may kaukulang piyansa na 200,000 libong piso. Ang nasabing suspek ay nasa kustodiya na ng Vinzons Municipal Police para sa mga kaukulang disposisyon.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News