Pebrero 10, 2019, Daet, Camarines Norte. Mas lalo pang nadagdagan ang excitement ng mga music fans sa lalawigan ng Camarines Norte matapos ianunsyo na isa sa mga magpeperform sa Bantayog Music Fest 2019 ay ang social media music sensation na “This Band”. Makakasama ng This Band ang Parokya ni Edgar sa nasabing music fest upang magbigay aliw sa mga CamNortenyo.

Naunang sumikat sa social media ang nasabing banda matapos ang pagrelease nila ng kantang “Kahit Ayaw Mo Na” na talaga namang nagustuhan ng mga kabataang pinoy. Sa ngayon ay pumalo na sa 5.2 million views ang official music video ng nasabing kanta, maliban pa sa libo libong downloads nito. Ilan pa sa mga kanta ng This Band ay ang Hindi na Nga, Tampisaw, at Bitaw Na.

Samantala, inilipat naman sa mas maagang schedule ang Bantayog Music Fest. Mula sa dating petsa na April 27 ay gaganapin na ito sa April 20, 2019 sa grounds ng Bagasbas Airport.

Para sa iba pang impormasyon hingil sa pagbili o pagpareserve ng mga ticket, mangyaring bisitahin ang facebook page ng AT Productions sa https://www.facebook.com/ATprods/ , o kaya’y tumawag o magtext sa 09478917078 at 09475141499.

 

*photo from AT Productions

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News