Marso 7, 2019, Daet, Camarines Norte. Pormal nang inilunsad ang programang “bikolanong ayaw ng tumulad sa adik na pasaway at durugista” o may acronym na ” BANTAYOG” at “honest orderly and peaceful elections” o “HOPE” ng Camarines norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Godfredo k. Tul-o sa pamamagitan ng bantayog funbike na nagsimula sa provincial grounds ng pamahalaaang panlalawigan sabado ng madaling araw (March 2).

Otomatikong miyembro ang nasa 500 bike enthusiasts na nagpatala na nagmula pa sa ibat ibang ahensiya ng mga pribado at pampublikong tanggapan, maging sa panig ng mga NGO’s.

Layon nito na lalo pang patatagin ang police-community relationship. Ayon kay Tul-o, isa aniya ito sa mabibisang pamamaraan upang naipaparating sa kaalaman ng mga mamamayan na ligtas ang lalawigan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Sabay-sabay ring isinagawa ang panunumpa bilang miyembro at pagdidikit ng mga bantayog bikers stickers sa kani-kanilang mga racing o mountain bikes.

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News