Marso 9, 2019, Daet, Camarines Norte. Matagumpay na isinagawa ang Senior High School Expo 2019 sa Agro Sports Center sa Daet, Camarines Norte. Aabot sa kabuuang 59 public at 9 na private senior high school ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Dito ay ipinakita at ibinida ng mga paaralang kalahok ang ibat ibang produkto na likha ng mga Senior High strands tulad ng academics, technical vocational livelihood o tvl, sports, at arts and design na sinasabing “needs at available” sa isang locality o lugar ng paaralan.

Ilang kakaibang mga likha ng mga mag aaral na gawa ng kanilang mga talentadong kamay at kaisipan ang namasdan sa bawat booth display na inilaan para sa kanila.

Naging panauhing pandangal sa nasabing expo si Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad na siya ring pormal na nagbukas ng aktibidad.

Tema ng naturang aktibidad ay “facilitating dreams, valuing aspirations through senior high school k to 12 curriculum”. 

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News