Replay | Solemn Episcopal Ordination

Replay | Solemn Episcopal OrdinationBISHOP REX ANDREW ALARCONMarch 19, 2019 9:00 AM#servus_tuu_sum#I_am_your_servant

Posted by Archdiocese of Caceres on Monday, March 18, 2019

Marso 19, 2019, Daet, Camarines Norte. Inordenahan na bilang obispo kaninang umaga sa Naga Metropolitan Cathedral si Most Reverend Rex Andrew C. Alarcon. Ang nasabing selebrasyon ay dinaluhan ng mga layko, pari at obispo galing sa iba’t ibang diyoyesis ng kabikulan. Punong tagapagdiwang sa nasabing ordinasyon si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona katuwang ang iba pang mga obispo at pari na presente sa okasyon.

Ang Episcopal Ordination ay isang rito o liturgiya sa simbahan na kung saan ang isang pari ay itinataas sa antas ng pagiging obispo. Ang isang obispo ay ang siyang kaganapan ng pagiging pari ng isang indibidwal at kadalasa’y binibigyan ng malaking responsibilidad na pangalagaan ang mga mananampalataya sa isang diyosesis.

Ilan sa mga tampok na tradisyon kanina sa ordinasyon ay ang ang pagkanta ng “Veni, Creator, Espiritus”, isang kanta ng pagtawag sa Banal na Espiritu bago ang ordinasyon. Sinundan ito ng pagpapakilala kay Alarcon sa mga mananampalataya kasabay ng pagbasa ng sulat ng pagkakatalaga sakanya ng Santo Papa.

Sumunod ang pagpapahayag ng “siyam na pangako” ng obispo upang tiyakin ang kanyang kahandaan sa paggampan sa mabigat na responsibilidad ng pagiging obispo. Isinunod rito ang pagkanta ng “litaniya sa mga Santo” bilang panalangin ng paggabay kay Alarcon. Pagkatapos ng mga ito ay isinunod na ang panalangin sa ordinasyon, annointing at investiture para sa nasabing obispo.

Samantala, nakatalang italaga bukas si Alarcon bilang obispo ng Diyosesis ng Daet matapos ang kanyang ordinasyon kaninang umaga. Kaugnay nito ay deklaradong Special Holiday bukas sa buong lalawigan ng Camarines Norte upang bigyan ng pagkakataon ang mga mananampalataya na saksihan ang pagdating ng bagong Obispo ng Diyosesis.

 

News Cover Photo Credits to Mr. Jojo Prieto

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News