Abril 10, 2019, Daet, Camarines Norte. Tampok sa selebrasyon ng ika-15 Bantayog Festival at ika-99 na pagkakatatag ng lalawigan ang Festival Parade at Street dancing Competition sa lalawigan ng Camarines Norte. Tema ng nabanggit na pagdiriwang ngayong taon ang “Nagkakaisang CamNorteno Tungo sa Bagong Siglo”.

Ang nasabing paligsahan o festival of festivals na gaganapin sa Agro-Sports Center sa ika 29 ng Abril  ay pangungunahan ng Provincial Tourism Office (PTO) ng pamahalaang panlalawigan . Sa nasabing paligsahan ay itatampok ng bawat bayan ang kanilang mga local festivals sa harap ng libo libong manunuod.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Mariano Palma, ang mga magwawagi sa paligsahan ay tatanggap ng P200,000 premyo para sa grand champion, P150,00 para sa 1st runner up at P100,00 naman para sa 2nd runner up. Ang mga hindi naman magwawagi ay tatanggap pa rin ng consolation prizes mula sa nabanggit na ahensya.

Maliban sa paligsahan ay inilatag rin ng pamahalaang panlalawigan ang ibat-ibang gawain para sa nabanggit na selebrasyon. Kabilang rito ay ang isinagawang Rebisco Volleyball League, skate fest, bantayog climb, tattoo fest, Personality Development Training at Bantayog Art Exhibit.

Magkakaroon rin ng Job Fair, padyak race, fellow ship parade o baile sa calle at float parade, agri-tourism and trade fair, Persons with Disablilites (PWDs) got talent, Little Miss at Miss Teen Camarines Norte ganundin ang Bb. Camarines Norte kaugnay sa pagdiriwang ng foundation anniversary ng probinsya.

Ang isang buwang selebrasyon ng Bantayog Festival ay nagsimula na noong Abril 2 at magtatapos sa Mayo 6 ngayong taon.

 

Reyjun Villamonte

Camarines Norte News