DAET, CAMARINES NORTE (Feb. 07, 2019) – Nagpaliwanag ngayon ang lokal na pamahalaan ng Daet sa hindi nito pagpahintulot sa mga bus ng Peñafrancia Tours sa mga terminal sa bayan.

Ayon sa legal counsel ng local chief executive ng nasabing lugar, pabor umano ito sa kanila ngunit hindi aniya ito madaling maisakatuparan dahil dapat umano ikunsidera ang kapakanan ng mga maaapektuhang transport group.

Nakatakda sana umanong silang magpulong kasama ang mga miyembro ng mga transport group ngunit hindi na ito itinuloy dahil tuluyan ng nakapasok sa bayan ang naturang kompanya.

Sa kabila umano nito ay hindi na maaapektuhan ang mga transport groups dahil hindi na magpaparada sa terminal ang mga bus kung saan magkakaroon na lamang ng mga kaukulang pick up stations.

 

 

Camarines Norte News