(From Left to Right) Ang miting de avance ng magkatunggaling Partido Liberal at PDP Laban sa lalawigan ng Camarines Norte.

Mayo 12, 2019, Daet, Camarines Norte. Naging mala-piyesta ang isinagawang pangangampanya ng mga kandidato sa lalawigan ng Camarines Norte sa huling araw ng itinakdang campaign period ng COMELEC bago ang halalan sa darating na Lunes. Dalawang malalaking Miting de Avance ang isinagawa kagabi sa kabisera ng lalawigan na kung saan ito ay dinaluhan at dinumog ng kani-kanilang mga taga-suporta.

photo above: Miting De Avance ng Team Pagbabago at Team Daet on the Go na ginanap sa Central Plaza complex

Sa mismong sentro ng Daet isinagawa ng “Team Gawa” sa pamumuno ni Gov. Edgardo Tallado, at “Team B2K” sa pangunguna naman ni Mayor Benito S. Ochoa ang kanilang pagtitipon. Samantala, naging venue naman ng “Team Pagbabago” at “Daet on the Go” sa pamununo nina Dra. Catherine Barcelona – Reyes at Tito Sarion ang bahagi ng Central Plaza Mall sa kanilang programa.

photo above: Miting De Avance ng Team Pagbabago at Team B2k na ginanap sa kanto ng Vinzons at Gov. Panotes Avenue. 

Sa mga nasabing pagtitipon ay ibinahagi ng bawat partido ang kanilang mga nais gawin oras na sila ay mahalal sa kanilang posisyon na tinatakbuhan. Patuloy na pag-unlad ang sigaw ng kampo ng PDP Laban samantalang pagbabago naman ang nais ng Liberal party. 

Dahilan nito, inaasahan na magiging mainit ang tunggalian ng mga kandidato sa lokal na posisyon sa kabila ng samu’t saring issue na kumakalat sa buong lalawigan simula ng magsimula ang panahon ng pangangampanya.

*Photo credits to the owners

 

Edwin Datan Jr. 

with reports from Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News