Mayo 14, 2019, Daet, Camarines Norte. Ilang sandali na lang ay malapit ng matapos ang bilangan sa eleksyon. Paunti unti ay nagkakaroon na rin ng linaw kung sino ang mga nailuklok nating Senador sa posisyon. Paano nga ba pumili ang lalawigan ng Camarines Norte pagdating sa Senatorial Election?

Base sa huling update ng election results as of 8:22 pm, narito ang mga napiling senador ng lalawigan ng Camarines Norte:

  1. Grace Poe – 161,313
  2. Bam Aquino – 128,296
  3. Cynthia Villar – 128,240
  4. Lito Lapid – 115,811
  5. Mar Roxas – 100,198
  6. Sonny Angara – 97,637
  7. Pia Cayetano – 87,519
  8. Nancy Binay – 84,644
  9. Bong Revilla – 80,769
  10. JV Ejercito – 77,485
  11. Chel Diokno – 70,847
  12. Gary Alejano – 70,400

Sa kabuuan, mayorya ng mga ibinotong senador ng Camarines Norte ay nagmula sa partido ng administrasyon samantalang apat lamang rito ang nagmula sa pambato ng oposisyon. Ang lalawigan ng Camarines Norte ay binubuo ng 351,514 registered voters.

Sa kasalukuyan ay nasa 97.75% na ang mga nabilang na boto sa lalawigan at tanging sa mga bayan na lamang ng Capalonga at Basud ang hindi pa natatapos ang bilangan.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News