Mayo 21, 2019, Daet, Camarines Norte. Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa libo libong mga katoliko sa buong kabikulan matapos ang naging resulta ng 2019 midterm elections sa bansa. Sa mensahe ng arsobispo ay hinikayat nito ang mga tao na ipagdasal ang mga nanalong kandidato sa eleksyon kahit na nga nagkaroon ng hati hating reaksyon ang mga ito sa nagdaang halalan.

Dagdag pa ng arsobispo, ang nakakabagabag na resulta ng halalan partikular sa Senatorial level ay isang hamon sa mga katoliko na bigyang pansin ang voters’ education ng mga mamamayan. Kinakailangan umano ang seryosong pagtuturo nito sa mga kabataan lalong lao na sa mga parokya at organisasyong pang simbahan upang mabago ang pag-iisip ng mga tao pagdating sa pagpili ng mga kandidato.

Nagpasalamat rin si Tirona sa lahat ng mga guro, sundalo, COMELEC Personnels, PPCRV volunteers at media na tumulong upang maging mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa bansa.

Sa huli ay binigyang diin ng arsobispo na anuman ang naging resulta ng halalaan ay isa nanaman itong oras para maghilom ang mga sugat na idinulot ng pulitika, magkaisa bilang isang bansa, at magdasal at magtrabaho para sa isang malakas na demokrasya na lubos na minamahal ng mga pilipino.

*photo from Archdiocese of Caceres/Radio Caritas Mariae

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News