Mayo 22, 2019, Daet, Camarines Norte. Isang programa ang handog ng Camarines Norte Provincial Sports Office para sa mga kabataang nais matuto o magsanay sa larong volleyball. Ang nasabing programa ay nabuo dahilan sa inisyatibo ng nabanggit na opisina na matulungan ang mga kabataan na maging aktibo sa sports at iba pang mga kapaki-pakinabang na gawain.

Ang training ay pwedeng pwede para sa mga beginner o kaya naman sa mga dati ng manlalaro dahilan sa Basic at Advanced course nito. Ito ay bukas para sa mga kabataang edad limang taon hanggang labingpitong taong gulang at nakatakdang magsimula sa ika-15 ng hunyo hanggang sa buwan ng Hulyo.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa nabanggit na training, maaring tumawag o magtext sa 09300816399 o kaya naman personal na bisitahin ang Provincial Youth Development Office na matatagpuan sa 2nd floor ng Agro Sports Center sa bayan ng Daet.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News