Mayo 22, 2019, Daet, Camarines Norte. Viral ngayon sa social media ang isang driver at konduktor ng DLTB (Del Monte Land Transport Bus) company sa bayan ng Daet matapos umano nitong bastusin ang ilang mga pasahero na pauwi sana ng Maynila.

Ayon sa viral post ni Lovely Rivera, nagi umanong pangit at bastos ang pagtrato sakanila ng driver at konduktor matapos ang mga itong mamili ng pasahero at mang-insulto sa kanila. Dagdag pa ng ginang, kahiya hiya umano ang kanilang sinapit sa kamay ng dalawa matapos ang mga ito’y magbiro ng mga malalaswa para lang makaupo at pasakayin sila sa bus.

Dahilan nito, agad silang umalis palabas ng bus ngunit imbes na humingi ng paumanhin ang driver at konduktor ay nang asar pa umano ang mga ito sa kanila.

Dismayado ang mga nasabing turista dahil sa mga inasal ng driver at konduktor at nanawagan sa tanggapan ng LTFRB at DLTB na aksyunan ang hindi magandang inasal ng mga nasabing empleyado.

Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon ay tinanggalan na ng biyahe ng DLTB Company ang driver at konduktor ng bus na nagviral sa social media.

Tingnan ang orihinal na post ni Lovely Rivera: 

May 19, 2019, we were in Daet, Camarines Norte DLTB BUS CO pabalik ng Manila. We were then told by the staffs na fully…

Posted by Lovely Rivera on Monday, May 20, 2019

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News