Mayo 23, 2019, Daet, Camarines Norte. Pormal na kinilala at inimbitahan ng pamunuan ng Drum Corps Asia ang Gonzales Ascutia High School sa bayan ng Talisay sa prestihiyosong Drum Corps Asia Championships.

Ayon sa sulat na ipinadala ni Yunbin Liu, ang Board Chairman ng Drum Corps Asia, magalak na iniimbitahan ng kanilang pamunuan ang Drum and Lyre Corps ng nasabing paaralan dahil sa sunod sunod na pagkapanalo nito sa mga National Competitions ng Philippine Drum and Lyre Associates Inc.

Dahil sa imbitasyon, irerepresenta ng nasabing paaralan ang Pilipinas sa darating na tagisan ng mga nagagalingang banda sa buong mundo.

Tampok sa International competition ng Drum Corps Asia ang Drum Corps Show, Marching Band Show, Marching Percussion Show, Color Guard Show, Street Parade Competition, Individual Competition (Snare, Tenor, Color Guard) at Music Battle (Bassline and Drumline). 

Ang nasabing International Competition ay nakatakdang ganapin sa China sa darating na July 21-23, 2019. 

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News