Mayo 28, 2019, Daet, Camarines Norte. Arestado ang isang lalake matapos itong magnakaw ng isang cellphone unit sa isang convenience store sa Brgy 7 sa bayan ng Daet mga bandang alas dose ng hatinggabi kanina (Mayo 28, 2019).

Naaresto ng mga otoridad ang suspek na si Joven Del Castillo, 32 taong gulang, residente ng Aurora Street, Brgy 5 ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang chinacharge ng biktima ang kanyang cellphone sa loob ng convenience store ay bigla na lang umano itong hinablot ng suspek papalabas.

Mabuti na lamang at agad na nakaresponde ang mga otoridad upang maaresto ang nasabing suspek. Kahaharapin ng suspek ng kasong Theft o paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News