Mayo 29, 2019, Daet, Camarines Norte. Nakatakda nang simulan ang awarding ng construction packages para sa pinaplanong Bicol Railway system na magdudugtong sa Metro Manila at Kabikulan. Ayon sa Department of Transportation, ang nasabing railway system ay may habang 639 kilometro at nagkakahalaga ng halos 175 bilyong piso.

Ang pondo para sa nasabing proyekto ay inaprubahan na ng NEDA (National Economic and Development Authority) sa pamamagitan ng development assistance na magmumula sa gobyerno ng China.

Pagdudugtungin ng Bicol Railway system ang mga rehiyon ng NCR (National Capital Region), Region IV-A CALABARZON at Region V Bicol at inaasahang paiikliin sa anim na oras ang byahe mula sa Legazpi city patungong kamaynilaan mula sa dating travel time na labintatlong oras. 

Inaasahan naman na sa taong 2022 ay magigi na itong partially operational o maari nang pakinabangan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

*photo from Bikol Reporter 

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News