Hunyo 5, 2019, Daet, Camarines Norte. Ipinasilip ng LGU-Vinzons ang kanilang bagong Sea Ambulance na planong gamitin sa mga rescue at emergency situations partikular sa mga oras ng kalamidad. Ang nasabing sasakyan ay pweden ring magamit sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga taong naninirahan sa mga malalayong isla ng bayan.

Sa isang Faebook post ay ipinakita ng lokal na pamahahalaan ng Vinzons ang “State of the Art” Sea Ambulance nito. Ang nasabing Sea Ambulance ay nagkakahalaga ng 5 milyong piso at may habang 29 feet.

May kakayahan itong abutin ang bilis na 20 knots o 37 kilometers per hour at kayang magsakay ng aabot sa siyam na indibidwal. Ito rin ay may sapat na kagamitan sa loob upang magbigay ng paunang lunas sa isang pasyente.

Ang Sea Ambulance project ay pinondohan ng Department of Health sa pamamagitan na rin ng inisyatibo ng LGU-Vinzons sa pamumuno ni Mayor Eleanor Ferrer Segundo. 

Ang pagdating ng Sea Ambulance ay mas lalong magpapalakas sa pagtugon ng bayan ng Vinzons sa mga pangangailangang medikal ng mga mamamayan nito.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News