Hunyo 8, 2019, Daet, Camarines Norte. Aarangkada na sa Hunyo 15, 2019 ang pinakahihintay na selebrasyon ng Pinyasan Festival sa bayan ng Daet. Ang nasabing festival ay ang isa sa mga pinakatampok na pagdiriwang sa buong bayan, kaugnay na rin ng paggunita sa kapistahan ng patron nito na si San Juan Bautista.

Tema ng selebrasyon ngayon ang Bisitahin 2nay na Kagandahan ng Daet” na may layuning palakasin ang turismo sa buong bayan. Tampok sa pagdiriwang ng Pinyasan Festival 2019 ang Pinyasan Funbike, Pinyasan Job Fair, Agri Trade Fair, Tertulla De Daet, Pinyasan Marathon, Miss Pinyasan at marami pang iba.

Ang nasabing selebrasyon ay magtatapos sa araw ng kapistahan ng bayan ng Daet sa Hunyo 24, 2019.

Ang Pinyasan Festival ay nagsimula noong taong 1993 bilang pagkilala sa industriya ng Pinya sa Daet at maging sa mga karatig nitong bayan ng Basud at San Lorenzo Ruiz. Ang Pinyasan Festival ay ang isa sa mga pinakatampok na festival hindi lamang sa lalawigan ng Camarines Norte kundi maging sa buong rehiyon ng kabikulan.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News