Hunyo 8, 2019, Daet, Camarines Norte. Tinanghal bilang mga regional winners sa 21st Gawad KALASAG regional search ang Camarines Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Camarines Norte State College, at Vinzons Pilot High School.

Ang nasabing pagkilala ay nagmula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Bicol na kung saan tinanghal bilang runner-up sa PDRRMC category ang Cam-Norte PDRRMC, Best School-Secondary Public Category ang Vinzons Pilot National High School, at Best School-Higher Education Institution category ang Camarines Norte State College. 

Ang Gawad KALASAG ay isang pagkilala na iginagawad sa mga natatanging organisasyon na nagpapakita ng malaking ambag pagdating sa pagpaplano ng Disaster Risk Management Programs, pati na rin sa pagbibigay ng Humanitarian Assistance sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Ang pagbibigay ng KALASAG o (KAIamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) award ay sinimulan noong 1998 taglay ang layunin na gawing Disaster Resillient ang mga pamayanan sa buong Pilipinas.

Ang mga nagwagi sa Regional Search ay ang siyang magiging pambato ng Kabikulan sa National Level ng 21st Gawad KALASAG Awards. 

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News