Hunyo 8, 2019, Daet, Camarines Norte. Isang magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho, tampok ngayon sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan at 71st Charter Anniversary ng lungsod ng Naga ang isang Job and Livelihood Fair.

Ang nasabing Job and Livelihood Fair ay lalahukan ng iba’t-ibang local agencies/businesses sa Naga para bigyang trabaho ang mga taong unemployed sa lungsod at maging sa mga karatig nitong bayan at probinsya.

Ilan sa mga partner agencies/employer ay ang Bigg’s Incorporated, AMA Computer College, First Standard Finance Corp., Graceland Food Industries, Motortrade, Philam Life, Milaor Trading Corporation, Toyota Cam-Sur at marami pang mga local employers sa buong Camarines Sur.

Ang job fair ay gaganapin sa darating na Hunyo 12 hanggang 13, alas nwebe ng umaga (9 am), sa Robinsons Place Naga. 

Para sa mga interesado, magdala lamang ng updated resume at ilang mga valid documents na kailangan sa pag-apply.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News