June 10, 2019 Daet, Camarines Norte– Kasabay  ng init ng panahon ang init ng issue na kinahaharap ng Camarines Norte Electric Cooperative ( CANORECO) dahil sa magkakasunod na pagpalya ng kanilang serbisyo.

Sunod sunod na mahahaba at walang abisong brown out and naranasan ng lalawigan dahil umano sa pagsasaayos ng 69KV lines.

Ayon sa mga konsumedores na netizens, “ bastusan” na raw ang nangyayaring brown out dahil wala o late ang abiso ng pagkawala ng kuryente. Nakadagdag pa sa sakit ng ulo ng mga konsumedores ang pag taas ng singil ng kuryente

Samantala, inaasahang maglalabas na ng paliwanag ang CANORECO ano mang oras ukol sa nasabing issue.

 

Marianne O. Guinto

Camarines Norte News