June 11, 2019 Daet, Camarines Norte –  Pormal ng naturn-over ang bagong opisina ng Camarines Norte Police Provincial office kahapon, Hunyo, 10, sa PRO5 officer’s lounge sa Legazpi City.

Pinangunahan ni Regional Director, PBGEN Arnel Escobal ang nasabing programa at pormal ng nailipat sa pamamahala ni PCOL Marlon Tejada na tumayo bilang incoming Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial office.

Iginawad din naman ang Medalya ng Kasanayan kay PCOL Godredo Kinhude Tul-o para sakanyang  mapayapa at matiwasay na pagserbisyo bilang Provincial Director ng Camarines Norte mula Nobyembre 2018 hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News