June 11, 2019 Daet, Camarines Norte- Sugatan ang isang driver matapos mabangga ang sinusundan nitong L300 sa Sitio Paraiso, Sta. Elena kaninang umaga, Hunyo, 11.

Kinilala ang sugatang driver na si Pete Jr. Ligayo y Danao, 42 anyos at residente ng Tigbinan, Labo, Camarines Norte. Agad naman itong dinala sa Virgin Mary Hospital para gamutin.

Ayon sa police report ng Sta. Elena, nagmamaneho raw ang driver ng L300 sa  Brgy. Poblacion Sta. Elena ng aksidenteng nabangga ni Danao ang likuran nito.

Ligtas naman ang driver ng L300 na si si Mario Comiso y Maralit at minor injuries lang ang natamo nito.

Dinala naman sa Sta. Elena MPS ang mga sasakyan para imbestigahan.

Wala namang ibang nasaktan at nadamay na sibilyan sa nasabing aksidente.

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News