June 12, 2019 Daet, Camarines Norte- Hindi na nakapalag pa ang anim na lalaki matapos makumpiska ang 1500 board-ft na Cuyawyaw sa sinaksakyan nilang truck sa bayan ng San Vicente.

Nahuli ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang operasyon ng San Vicente Municipal Police Station at Municipal Traffic and Public Safety Office bandang alas tres ng umaga ng June 12.

Ayon sa mga pulis, wala raw dokumentong na iprisinta ang mga suspek kaya hindi na nakapalag pa.

Kinilala ang mga suspek na sina: Carlito Quinito y Acal, Rodrigo Villanueva y Idaloy, Ricky Villafranca y Nala, Jasper Villaluz y Del Barrio, Ramon Villacrusis y Villaluz, at Fernando Del Barrio y Pait na ayon sa police report ay mga residente ng Labo, Camarines Norte.

Kasalukuyan namang nakakulong na ang mga suspek.

 

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News