June 13, 2019 Daet Camarines Norte- Huli sa dalawang magkakahiwalay na operasyon ang dalawang lalaki na isinagawa kanina ng Mercedes at San Lorenzo Municipal Police Station.

Umaga ng ma-aresto ang 39 anyos na magsasaka na si Sherwin San Luis y Lisondra matapos makitaan ng limang pakete ng maliliit na heat sealed shabu na may market value na 1,500 pesosĀ  sa San Lorenzo Ruiz.

Ala una y trenta naman ng dakipin si Joshua Asurto y Cabague ng Mercedes Municipal Police station matapos kapkapan at makitaan ng nakabalot na papel na pinaniniwalaang shabu.

Nahaharap ang dalawang suspek sa pag labag sa kasong comprehensive dangerous drugs act.

 

Ariana Diaz

Camarines Norte News