Huny0 13, 2019, Daet, Camarines Norte. Binigyang linaw ng DEPED (Department of Education) Bicol ang pagpapatupad ng six hour workday para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa buong rehiyon.

Ayon sa ipinalabas na memorandum ni Regional Director Gilbert Sadsad, mahigpit umano na ipapatupad sa buong rehiyon ang implementasyon ng six hour workday para sa mga guro, alinsunod na rin sa sa Section 13 ng Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers.

Dagdag pa ni Director Sadsad, sa ilalim ng nasabing batas ay kinakailangan lamang na bigyan ng required 6 hour teaching load ang isang guro sa isang araw at dalawang oras na karagdagan para naman sa iba pang school related activities/works na maaring gawin sa labas ng paaralan.

Kapag sumobra na sa nabanggit na oras ang trabaho ng guro sa isang araw ay maari itong idagdag sa vacation service credit nito o kaya naman idagdag sa overtime pay sa monthly salary nito.

Kaugnay nito ay mahigpit na imomonitor ng nabanggit na ahensya ang pagpapatupad ng nasabing kautusan sa pamamagitan ng Monthly Compliance reports ng mga School Divisions sa buong rehiyon.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News