June 16, 2019 Daet, Camarines Norte- Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan matapos maabot ang criteria ng 25 millimeters na ulan sa loob ng limang araw.

Ayon sa PAGASA, ang nararanasang malawakang pag-ulan nitong mga nagdaang araw ay dulot ng Habagat na hudyat ng pagpasok ng rainy season.

Dagdag pa ng weather bureau, asahan pa din ang kalat-kalat na pag-ulan na susundan ng dry periods o “monsoon break” na tatagal ng dalawang lingo.

Kasabay rin ng wet season ang typhoon season kung saan mararanasan ang pagbisita ng 20 tropical cyclones sa bansa kada taon.

Samantala, umiiral pa rin ang El nino sa ibang bansa at inaasahang magtatagal ito hanggang Agosto.

 

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News