Hunyo 16, 2019, Daet, Camarines Norte. Isa ang patay matapos magbanggaan ang isang bus at truck sa may porsyon ng Sitio Lobo, Barangay Tabugon sa bayan ng Sta. Elena, dakong 11:45 kagabi ng Hunyo 15, 2019.

Kinilala ang mga driver na sangkot sa nasabing aksidente na sina Gil Arandila (drayber ng bus), 44 na taong gulang, residente ng Lopez, Quezon, at Julio Simo (drayber ng truck), 59 taong gulang at residente naman ng lungsod ng Naga.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, binabagtas ng nasabing bus ang direksyon patungong kamaynilaan ng aksidente itong bumangga sa isang truck. Ang lakas ng impact ng nasabing banggaan ay nagdulot ng pagkasawi ng isang pasahero sa loob ng bus.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing insidente.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News