June 16, 2019 Daet, Camarines Norte- Rumampa ang siyamnapu’t apat na mga alagang aso sa dog fun walk upang makiisa sa pagdiriwang ng Pinyasan Festival kaninag umaga, sa Daet, Camarines Norte.

Agaw pansin ang mga asong rumampa sa costume contest suot ang Pinyasan outfit at iba pang mga nakakaaliw na costume.

 

Nagpakitang gilas din ang mga aso sa tricks and burger eating contest na ikinatuwa ng mga manunuod.

Nagkaroon din ng libreng pabakuna para sa mga aso na pinangunahan ng Municipal Veterinary Office ng Daet para sa mga asong hindi pa nababakunahan.

Layunin ng event na ito na ipakalat ang kaalaman sa responsableng pag-aalaga ng mga aso at para na din ipromote ang turismo ng bayan.

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News