Hunyo 16, 2019, Daet, Camarines Norte. Nakatakdang dalhin sa lalawigan ng Camarines Norte ang Blood Relic ni dating Santo Papa at ngayon ay isa nang Santo na si John Paul II kasama ang National Youth Cross sa darating na buwan ng Agosto.

Ang mga nasabing relic ay bibisita sa lalawigan mula Agosto 7 hanggang Agosto 10, 2019 kaugnay na rin ng pagdiriwang ng Year of the Youth ng Simbahang Katolika.

Sa loob ng tatlong magkakasunod na araw ay bibisitahin nito ang mga Parokya ng San Juan Bautista sa bayan ng Daet (August 7), Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa bayan ng Jose Panganiban (August 8), at Saint Anthony De Padua Parish sa bayan ng Mercedes (August 9).

Ang nasabing Blood Relic ay isang kapirasong tela na may mantsa ng dugo ni Saint John Paul II. Matatandaan na si Saint John Paul II ay isa sa mga hinahangaang icon ng simbahan dahil sa mga repormang ipinatupad nito sa Simbahang Katolika noong ito pa ang nakaupong Santo Papa.

Si Saint John Paul II ay idineklara ng simbahan bilang Santo noong ika-27 ng Abril taong 2014, siyam na taon lamang makalipas itong bawian ng buhay noong 2005.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News