June 17, 2019 Daet, Camarines Norte – Naglabas na ng paliwanag ang Prime Water Camarines Norte tungkol sa nararanasang mahina at putol-putol na daloy ng tubig sa lalawigan.

Ayon  sa Facebook post ng Prime Water, kasalukuyan na raw isinasagawa ang water system management  sa mga pasilidad ng Water District ng lalawigan upang matugunan ang kakulangan sa tubig sanhi ng El niño na nararanasan ng bansa.

Pinayuhan naman ng Prime Water na mag-ipon ng tubig lalo na  sa mga nasa dulo at matataas na lugar upang magamit ito kinabukasan.

Humingi naman ng paumanhin ang Prime Water at humihiling ng pag unawa ng mga konsyumer  habang isinasaayos ang  water system ng lalawigan.

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News