Hunyo 22, 2019, Daet, Camarines Norte. Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa may Purok 2, Barangay Bagong Silang 2, sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Ayon sa kapitan ng nasabing barangay, natagpuan nilang nakahandusay ang bangkay sa nasabing lugar mga bandang 2:30 kaninang hapon.

Ang biktima ay natagpuang nakatali ang kamay at nababalot ng packaging tape sa mukha, ito rin ay nakasuot ng puting pantalon at pulang jacket.

Pagtataya ng pulisya, mga nasa edad 25 hanggang 30 anyos na ang nasabing biktima at may taas na 5’2 hanggang 5’4. 

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang iba pang mga detalye sa karumal dumal na pagpatay. Inaalam rin ang pagkakakilanlan ng nabanggit na biktima na basta na lamang itinapon sa lugar.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News