June 23, 2019 Daet, Camarines Norte – Dalawang bangkay ang natagpuang nakahandusay sa Patag Ilaya, Sta. Elena bandang alas kwatro y trenta kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jimboy Lura y Magsino at Jericho Lura y Compra na parehas 18 anyos at residente ng Patag Ilaya, Sta. Elena.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga magulang ng biktima, nagpaalam umano ang dalawang biktima upang maghanap ng malakas na signal upang makapaglaro ng online game na Mobile Legends ngunit sa kasamaang palad, tinamaan ng kidlat ang dalawa na nagsawi ng kanilang pagkamatay.

Kasalukuyan ng nasa New De Chavez-Regencia Funeral Homes ang labi ng mga biktima para sa eksaminasyon.

Labis naman ang pighati ng mga magulang ng biktima sa nasabing insidente.

 

Marianne Guinto

Camarines Norte News