Hunyo 24, 2019. Nasubok ang tibay ng mga bikers sa lalawigan at maging sa ibang parte ng kabikulan sa katatapos lamang na 1st Pinyasan Mountain Bike Off Road Challenge na ginanap sa Barangay Dogongan, Daet, Camarines Norte kahapon ng linggo (Hunyo 23, 2019).

Ang nasabing event ay inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Daet katuwang ang MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction Management Office), Department of Tourism Daet at iba pang mga pribadong sponsors.

Ang kumpetisyon ay may dalawang category, ang team relay (5 members each) na kung saan tatlong laps ang kailangang ikutin ng isang biker sa challenging race track bago maipasa ang relay sa kanyang kakampi, at ang Single Race na binubuo ng 5 laps bago matapos sa finish line.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa nasabing Mountain Bike Off Road Challenge:

Mountain Bike Relay  

1st Place – Team BRyan Ely Reynancia (Albay), Joven Camino (Daet), Kevin Asunio (J. Panganiban), Dandin Felices (Iriga City), Jonnel Cosinero (Iriga)

2nd Place – Team DJoshua Bustillo (Vinzons), Gino Bumaloy (Iriga city), Norman Saluacon, Billy Biag (Pili, Cam-sur), John Lennard Dypiangco (Mercedes)

3rd Place – Team CHarry Dave Abanes, Francis Aguilar, Icincio Nuralo, Angelo Mabeza, Cyrus Villero (All from Mercedes, CN)

 

 Mountain Bike Single Race 

1st Place – Gino Bumaloy (Iriga city)

2nd Place – Dadin Felice (Iriga city)

3rd Place – Billy Biag (Pili, Cam-Sur)

Special AwardsKaye Vasquez and Elisha Dio De Vera

Ang mga nanalo ay tumanggap ng mga medalya, trophy at cash prizes. Ang nasabing kumpetisyon ay isa sa mga kauna-unahan sa lalawigan ng Camarines Norte na talaga namang dinayo ng iba’t ibang mga bikers sa mula sa iba’t ibang panig ng rehiyong bikol.

Inaasahan pa ang patuloy na pagsikat ng mga biking activities sa lalawigan partikular sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga Fun Bike, Bike Racing at iba pang mga katulad na aktibidad sa Camarines Norte.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News