Hulyo 8, 2019, Daet, Camarines Norte. Ilang araw matapos ang oath taking ni Gobernador Edgardo Tallado ay pormal na inilatag nito ang kanyang mga proyektong nais pagtuunan ng pansin sa kanyang termino bilang gobernador ng Camarines Norte.

Ang mga nasabing proyekto ay inihayag ng gobernador sa kanyang official facebook page na kung saan tumanggap ito ng samut-saring reaksyon at papuri mula sa mga mamamayan.

Ilan sa mga nabanggit na priority projects ay ang pagtatayo ng Ospital sa bayan ng Sta. Elena, pagsasaayos ng water system sa Capalonga, Convention center sa Bagasbas Boulevard, patuloy na modernisasyon ng CNPH, muling pagbubukas ng Bagasbas Airport at marami pang iba.

Matatandaan na ang ilan sa mga nabanggit na proyektong nais pagtuunan ng gobernador ay nagmula sa mga hinaing ng mga mamamayan sa lalawigan.

Oras na maisakatuparan ang lahat ng ito, inaasahan na mas mapapataas pa nito ang kalidad ng serbisyo publiko at pagpapalakas ng turismo at ekonomiya ng Camarines Norte dahilan sa nakaambang pagsasaayos ng Bagsabas Airport at paglikha ng panibagong convention center sa lalawigan.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News