Hulyo 12, 2019, Daet, Camarines Norte. Inilabas na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang listahan ng unang batch ng mga kwalipikadong iskolar ng CN-PGCEAP (Camarines Norte-Provincial Government College Education Assistance Program).

Ang nasabing programa ay ang pangunahing proyekto ng gobyerno probinsyal ng Camarines Norte pagdating sa pagbibigay ng asistensya sa mga mahihirap ngunit mga matatalinong estudyante sa lalawigan.

Ang nabanggit na programa ay alinsunod na rin sa Panlalawigang Ordinansa Blg. 14-2011 na nagtatakda ng isang malawakang programang pang-edukasyon para sa mga kapus palad na mamamayan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Sa ilalim ng CN-PGCEAP, makakatanggap ang isang qualified student ng halagang limang libong piso kada semestre sa buong taon ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa alinmang Higher Educational Institution sa loob ng lalawigan.

Samantala, narito na ang unang batch ng listahan ng mga kwalipikadong mag-aaral sa ilalim ng CN-PGCEAP:

 

Sa kasalukuyan ay ilan nang mga Honor Graduates, Propesyunal at mga mahihirap na mamamayan sa Camarines Norte ang napagtapos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng CN-PGCEAP.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camrines Norte News