Hulyo 20, 2019, Daet, Camarines Norte. Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng DILG (Department of Interior and Local Government) si Senior Board Member Joseph Christopher “Concon” Panotes bilang pansamantalang bise-gobernador at presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte.

Iyan ay bunsod nang di pa pagkakaresolba ng nakabinbing kaso sa COMELEC laban kay Jonah Pimentel. Matatandaang naghain nang kaso sa COMELEC (Commission on Elections) ang kampo nina former Jose Panganiban Mayor Ricarte “Dong” Padilla upang idiskwalipika si Pimentel sa pagtakbo sa nakaraang eleksyon.

Bunsod nito, bagama’t nanalo sa botohan si Pimentel ay hindi muna ito iprinoklama ng COMELEC hangga’t hindi pa tuluyang nareresolba ang kaso.

Hangga’t wala pang pinal na desisyon ang COMELEC ay mananatiling si Panotes ang tatayong bise-gobernador dahilan sa ito ang board member na nakakuha ng pinakamataas na boto nitong nakaraang eleksyon.

Samantala, hiniling naman ni Panotes ang gabay ng Panginoon upang pansamantalang magampanan ang mabigat na tungkulin ng bise-gobernador na ayon sa kanya ay kanyang hindi inaasahan.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News